SHOWTIME’S KILIG AMBASSADOR: #Hashtags

Hi ka-blogsters! It’s me again, ALEX at your service for being a SINGLE.

http://entertainment2.abs-cbn.com/tv/shows/itsshowtime/photos/albums/11111528-meet-its-showtimes-new-boy-group-hashtags/21-its-showtime-hashtags


SOBRANG KILALA NA SILA. Mala-girl, boy, bakla, o tomboy ka man, tinitilian sila. Buong Pilipinas man o buong mundo, OFW ka man o dito lang sa Pilipinas, kilalang kilala na natin ang Showtime’s kilig ambassadors, #Hashtags. They are the hottest boy group in town… ay di pala town kundi country. But wait, ipo-promote ko lang ang album nila. Promise, di kayo magsisi na binili niyo yung CD. Meron dyang 'Game na', 'Bumabalik Sayo', 'Babaero', and their single, 'Roadtrip' na naririnig ko lagi na kinakanta ng mga bata at maraming pang songs ang maririnig niyo dyan.

Magaganda ang kanta nila sa loob ng Album. Bilhin niyo na iyon sa mga record bars at stores nationwide. Back to our topic, sobrang kilala natin ang #Hashtags. Lumabas sila sa Showtime noong Nov. 11, 2015. Mga pogi at cute na miyembro na parang ‘Every girls dream’. Hahaha. Gusto ko lang masabi ang aking opinion about sa kanila. Wait, ang tanong ko lang ay bakit ang yung iba ang bilis magpalit ng damit agad? HAHAHA. Sobrang na-curious lang ako. Oh sige na nga mga ka-blogsters, basahin niyo na ang opinion ko.

#Ryle
-Jusko, napanood ko siya bilang si Makoy sa #ParangNormal Activity. Siya ang paboritong miyembro ko noon sa PNA. Ang ganda ng hairstyle niya ha? Ang brown niyang buhok ang lalong nagpapa-pogi sa kanya.
At ang galing niyang sumayaw! Hahaha. He was a cool and so-handsome-teen.


#Luke
-Pogi siya at feeling ko mahilig siyang mag-travel. Dahil siya kasi nakikita ko sa HashTara na. Ang galing niyang magsalita at aminin, isa rin siya sa mga dreams niyo girls.




#Zeus
-Ang feeling ko kasi sa  kanya ay siya ang leader ng grupo kasi ang galing niyang sumayaw right? Tignan niyo naman si Zeus, naging successful sa mundo ng showbiz. Isa siyang inspirasyon sa mga batang ini-idolo siya. Kasi nagsimula siya bilang pa-back up lang ngayon eh isa na siyang sikat na dancer.



#Jimboy
-He is a rapper-turned-to-be-a-dancer. Ang galing niya mag-rap sa kanta ‘Sorry na, Pwede ba’ Rap version sa album nila. Marunong siyang mag-ayos ng mga appliances, buti nga suta alam niya eh ako hindi eh. Mabait na anak itong si Jimboy kaya TULARAN SIYA!


#Nikko
-Nakita ko na siya sa ‘Gandang Lalake’ ng Showtime at siya ang grand winner. Pogi si Nikko at isa rin siyang inspirasyon sa mga imi-idolo sa kanya. Siya yung waiter-turned-to-be-a-famous dancer. He is kind-hearted man at maganda ang personality niya.


#Ronnie
-Kilalang kilala siya dahil siya daw pinaka-pogi sa #Hashtags. Nung napanood ko yung buhay niya sa MMK at mas nakilala siya lalo dun. Pinakakatitilian ng mga babae tuwing nagpeperform siya sa stage. Kung dati ay isa siyang playboy, ngayon naman ay nagpapayo na siya sa mga bata. Wait lang, anong connect ng playboy sa pagpapayo? Ang gulo eh but still, nakita naman natin kung paano siya nagbago at paano niya inayos ang sarili niya. Ayan si Ronnie. Dating playboy si Ronnie. Ngayon ay mabait na si Ronnie. TULARAN SI RONNIE ALONTE.


#McCoy
-Sobrang chinito nitong si McCoy.
Meron siyang smiling eyes na parang pinapakita na masayahin siya at girls, cute siya. Alam naman natin na ginagampanan niya ang role na si Ralph sa WWS. Ang pinagtataka ko lang ay bakit cute pa rin siya kahit nerd siya sa palabas? Hustisya nga. Hahaha! Btw, napakacute niya at atleast, ang ganda ng boses niya at ang galing din niyang sumayaw. Maraming bata din ang imi-idolo sa kanya dahil ang sa cuteness nito


#Jameson
-Merong dimples at alam nating lahat na pumasok siya sa loob ng PBB house. Ang puti niya nga eh. Kasi nga may lahing American siya. Swerte niya talaga.



#Jon
-Kilala na natin siya dahil nasa mundo na talaga siya ng artista.
Pogi naman talaga siya at nakita natin siya WWS bilang si Harold.


#Tom
-Nakilala ko siya dahil pumasok din siya PBB house. Di ko alam kung anong masasabi ko sa kanya eh. Alam mo yung pinaghalong cute at pogi. Basta, parang ganon.


#Paulo
-Yup. We know. Siya yung nasa 'Just the 3 of us' at infairness mga girls, isa rin siya sa mga pinapantasya niyo. Feeling ko kasi ang tahimik niya eh. And he has a cold voice and that was cool.


Lahat ng nasabi ko diyan ay ayon sa opinion ko. Wala akong masabing negative sides sa kanila. Di naman ako naniniwala na mga babaero sila, mga f***boy sila, at mga bakla sila. Respetuhin natin kung sino sila. Di ba porket pogi sila means ay ganon sila? Di naman di ba? Kung gusto nilang sumayaw, sumayaw sila. Atsaka maswerte nga sila dahil may album sila, it means ay maganda ang boses nila. And magkakaroon pa sila ng concert, di ba? They are differ in other boys group I ever seen. Siguro ilang months lang, nagka-album at magkaka-concert na sila. May ibang boys group ay nagpapa-pogi lang at kakanta, iba nga sumasayaw pero ang gulo naman tapos sisigaw sila "MAGANDA BA ANG SAYAW NAMIN?!" at dahil may fans sila, um-oo nalang sila. Di ba? Maganda ang karera nila sa showbiz. Agad naman silang tinanggap ng tao. Ang gusto ko lang sabihin ay don’t judge them. Lahat tayo, may buhay. Wag nating pakialaman ang buhay nila. Wag nating silang siraan. Let embrace them and feel them that they are good in dancing and singing. They are good-looking, handsome, cute, and mostly, meron silang pleasing personality what we want in our fave celebrity. Di lahat ng celeb ay walang nararamdaman. May feelings din sila kaya 'Think before you click' kung ayaw niyong awayin kayo ng mga fans niyan.


Yun lang and thank you! God bless mga ka-blogsters!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento