Healthy Life equals to Healthy Everyone!

Hi mga ka-blogsters! It’s me again, ALEX at your service for being a SINGLE.

Isa sa mga mahalaga sa ating Pinoy ang pagiging HEALTHY ang katawan. Ayaw natin na maging sakitin tayong mga Pilipino dahil tayo ay ACTIVE at gusto lagi natin ng mga challenges. Ang pagiging healthy ay kailangan ng mga ATHLETE, PAMILYA MO, and of course, IKAW. Yes! Ikaw mismo! Wag ka ng magpatumpik-tumpik pa! Tumayo at maging HEALTHY para sa iyong kinabukasan! Wag natin pa-iralin ang pagiging tamad pagdating sa salitang HEALTHY. Wag rin natin pabayaan ang ating mga katawan na tumaba at lumaki dahil ito'y nakakasama sa ating resistensiya at ating immune system. 

Kaya ngayon, bibigyan ko kayo ng mga TIPS na para maging HEALTHY.

TANDAAN!
Ang pagiging HEALTHY lang para sa mga ATHLETE kundi para din sa buong PAMILYA!


Ang una dapat sa ating listahan ay ang MAG-EXERCISE!
Masaya mag-exercise pag masaya mo itong ginagawa. Atleast, your motivition is pushing you to be healthy. Wag kang maghiya na bigla kang nagpush-ups sa classroom mo o kung saan ka man naroon. Wag laging pabayaan ang hindi mag-exercise dahil pwede ito magkaroon ng epekto sa ating katawan. Ang page-exercise ay epektong panglaban sa pagkakasakit kaya LAGING MAG-EXERCISE!


Pangalawa sa ating listahan ay EAT HEALTHY FOODS!
Kailangan ng ating katawan ang kumain ng mga masustansyang pagkain para lumakas ang ating resistensiya. Para rin ito umiwas sa mga sakit kaya kumain ng tama. Wag puro junk foods at processed foods tulad ng hotdog, noodles, atbp. ang kinakain sa araw-araw. Pwede kasi tayo magkaroon ng cancer pag ganito ang kinakain natin everyday. Kumain ng mga gulay at prutas para magbigay ng lakas sa buong araw. Leafy, greeny veggies make your body healthy and light, delicious fruits make your mind healthy! 


Pangatlo sa ating listahan ay ang INSPIRATION!
Maghanap ng iyong inspirasyon para maging healthy ka! Kasi sila yung parang iyong motivational goal para ma-achieve ang mga gusto mo. Sa mga Athlete, may mga inspiration sila kaya naa-achieve nila ang gusto nila. Una sa mga listahan na dapat sa INSPIRATION mo ay ang pamilya mo. At first, kasi gusto mo na matuwa sila kaya mo yun ginagawa.


Pang-apat sa ating listahan naman ay MAGPA-BAKUNA!
Magpabakuna habang baby pa ang mga bata. Kailangan ito ng pamilya at mga future atleta natin na ilalaban sa iba't ibang bansa. Para iwas sakit at para lumakas ang pangangatawan nila. Bibihira nalang tayo magpa-vaccines kasi sa tingin natin ay masakit ito. Oo nga, masakit pero ito naman ay nakakatulong na iwasan ka sa mga sakit tulad ng Polio o kaya naman ay diptheria. Nagpapabakuna tayo para din sa ating kinabukasan kay MAGPA-VACCINES NA!


Ang huli sa ating listahana mga kaibigan ay LAGING MAGPA-KONSULTA SA DOKTOR.
Ito ay required kung gusto natin maging healthy, mga ka-blogsters. Dito kasi sasabihin ng  doctor ang mga do's and don'ts pag gusto mo maging healthy. May mga possibilities kasi na maging malala ang lagay mo pag gusto mo ang sinusunod mo. Malalaman din natin ang mga kailangan nating malaman para maging mas healthy at maging malakas sa mga susunod na panahon. Wag natin ibalewala ang mga pagpapakonsulta dahil ito ay nakakatulong na malaman natin ang mga ibang impormasyon para maging fit and healthy tayo. 

Yan na mga ka-blogsters ang mga tips ko sa inyo para maging healthy and fit for our future. Nawa'y nakatulong ito sa inyo para maging malakas tayo. Laging humingin ng guide sa Maykapal at laging magdasal kung gusto maging MALAKAS ANG RESISTENSIYA. Wag na tayo magapatumpik tumpik pa dahil BEING HEALTHY IS OKIEE!

God bless mga ka-blogsters!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento