Hi mga ka-blogsters! It’s me again, ALEX at your service for being a SINGLE.
Kung isa ka sa mga nababasa sa Wattpad, di mo pwedeng makilala ang mga Montefalco. HAHAHA. By the way, naging isa akong Wattpader noong Grade 4 ako until now. Nagsimula ako sa pabasa basa ng mga Fanfic tungkol sa KathNiel hanggang maging ambisyon ko na ang pagsusulat. Nakita ko kasi na may binabasa ang ate ko sa aming desktop. Eh ang binabasa pala niya ay yun “She’s dating the gangster”. Napapansin ko kasi na umiiyak siya eh. By the way, sobrang fan ako ng KathNiel kaya naghanap ako mapaglilibangan ko eh may nakita akong website na Wattpad kaya agad akong nag-log in. Then BOOM! Nagsilabasan na ang mga libro tungkol sa KathNiel kaya agad kong nagbasa ng mga yun. Sa lahat ng mga librong nabasa tungkol sa KathNiel ay ang nagustuhan ko yung “His Personal Slave” na na-publish ng Pop Fiction. Marami naman akong nagustuhan pero ito talaga tumatak sa isip ko.
Nagsimula ako magsulat sa Wattpad noong Grade 5 ako. May nakilala kasi ako na kabatchmate ko, si MJ Getigan na kaservice ko dati at di ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya ngayon. HAHAHA. Nagawan ko siya ng kwento dahil na-curious ako sa ‘Create’ kaya pinindot ko. Dun pala gumagawa ng kwento sa Wattpad. Noong una, natutuwa ako sa kwento ko ‘Its a heart or its a love’ pero nung nabasa ko ulit ngayon, JUSKO! NAPAKA-CORNY! HAHAHA. I swear, di kayo matutuwa sa kwento. Masusuka ata kayo pag nabasa niyo yun. Noong Grade 6 ako, ginawa ko naman ang librong ‘I Need Somebody To Love <3’. Doon talaga ako natuwa sa pagsusulat at dun na rin nagsimula ako mag-ambisyon na maging isang author. Noong ginawa ko yun, natuwa naman din ako. Pero nung na-publish ko, napansin ko na ang dami kong mali sa pagsusulat kaya nung Grade 7 ako, binago ko at ni-revise ko. Abangan niyo nalang yun. HAHAHA. Noong summer last 2 years, may ginawa akong libro na ‘Past Love’ pero binura ko na ngayon dahil medyo nacornihan ako. Nang nawala ang ‘Past Love’ may ginawa naman ako na ‘Heartbreaker Meets the Sawi’ na may tatlong characters.
Hanggang ngayon, nagbabasa pa naman ako ng mga Fanfic pero bihira nalang dahil andaming librong gagawin ko. Ngayon, malaki ang natulong ng Wattpad sa akin dahil nahanap ko na ang gusto kong trabaho paglaki ko, ang pagiging author. I want to inspire my readers to learn that life isn’t like Fantasy. Gusto kong malaman nila na di madali ang buhay sa loob ng totoong mundo. Be yourself and be happy!
God Bless and thank you mga ka-blogsters!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento